Starlet Sawsawan Ng Mga Taga-DPWH
Posted by
Admin at Monday, November 23, 2009
|
Share this post:
|
0 Comments
KUMPIRMADO, isang sikat na starlet pala ang paboritong pulutan ng isang DPWH official na kilala sa tawag na Boy Romantiko. Favorite sawsawan din si gurlash ng ibang mga DPWH officials.
Minsan nga raw, bumiyahe sa Hong Kong ang starlet at batang opisyal. Ang akala ng tsik, date nilang dalawa iyon sa HK, pero isang araw matapos silang dumating sa naturang bansa, inihatid na lang daw siya sa isa pang opisyal sa katabing kuwarto sa iisa ring palapag.
Alam ni starlet na sobrang dami ng pera ng DPWH official kasi madalas din siyang isama nito. Alam nga niyang may mga golf share ang batang opisyal sa Fontana, Northwoods sa San Rafael, Bulacan, Sta. Elena, Capitol Hills Golf, Puerto Azul at Tagaytay Highland.
Hindi na mahirap ibigay ang clue ng DPWH dahil kung itse-check lang ang record nito sa Bureau of Immigration (BI), siya ang may pinakamaraming biyahe sa nakalipas na dalawang taon sa lahat ng opisyal ng nasabing kagawaran. Si starlet naman ay itago na lang natin sa pangalang AA as in aanga-angang mag-Ingles.
Marlon Purificacion, Journal
