We have new forums at NiteshKothari.com
TopBottom
Announcement: wanna exchange links? contact me at clwolvi@gmail.com.

Hiwalayang Aktor-Pulitiko ay Newscaster-GF, Gimik lang dahil Pinepressure ng Kapwa Newscaster na may Manok ding Politician!

Posted by Admin at Monday, November 23, 2009
Share this post:
Ma.gnolia DiggIt! Del.icio.us Yahoo Furl Technorati Reddit

(Umaga nila, kayganda pa rin pala...)


Pressure ang itinu-turong dahilan kung bakit kinailangang mag-pahayag ang isang aktor-politician na tapos na ang lahat sa kanila ng isang magandang newscaster. Hindi sa kanilang balikat naka-atang ang pressure, kundi sa departamentong kina-bi-bilangan ng babae, ayon sa aming impormante ay isang napaka-habang email ang i-pinadala ng isang kilalang newscaster din sa taga-pamuno nito.

Ang tanong ng newscaster, bakit may tini-titigan at tini-tingnan ang departamento, bakit kailangan itong pag-pahingahin para hindi makapag-kampanya sa kanyang manok, samantalang ang girlfriend ng aktor-pulitiko ay ume-ere pa rin hanggang ngayon sa mga programa nito?

"'Yun ang pressure na naka-atang ngayon sa department, hindi siyempre pa-payag asi (pangalan ng pamosong news anchor) na siya lang ang pansamantalang mag-pahinga, kailangang pahintuin din muna sa pag-ba-balita ang girlfriend nu'ng actor-politician! Eh, 'di nga ba, sinasabing ma-lakas sa mga bossing ang girl, paborito siya sa departamento, kaya para hindi ma-apektuhan ang trabaho niya, kailangang palabasin na over na, as in over, ang relasyon nila ni (pangalan ng actor-politician)," bulong pa ng aming source.

Bigay na bigay na kung sinu-sino ang bida sa kuwentong ito, kaya may ma-u-upo pa kaya ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang ma-bahong basurahan?
Cristy Fermin, Bulgar

0 comments:

Post a Comment