Magaling na Aktor, Banned sa Pinuntahang Bansa dahil sa Kagaspangan ng Ugali!
Posted by
Admin at Monday, November 23, 2009
|
Share this post:
|
0 Comments
(Suplado raw at isnabero si Totoy, paano mananalo sa fans?)
Sayang, isang bagong pintuan na naman sana ang nag-bukas para sa isang pamosong aktor, pero mukhang hindi na siya maka-ba-balik pa sa isang bansang pinuntahan niya kama-kailan dahil nagpa-iral siya du'n ng kagaspangan ng ugali. Hindi sila nag-punta du'n para mag-perform sa isang show, basketball ang i-dinayo nila sa ibang bansa, pero kumalat du'n ang ginawa ng kilalang aktor na naging dahilan para ma-inis sa kanya ang ating mga kaba-bayan.
"May reason naman ang ginawa niya, in fairness, hindi naman kasi sila inasikasong ma-buti ng mga taong kumuha sa kanila du'n," simulang kuwento ng aming impormante.
Wala raw koordinasyon ang producer sa buong grupo, napaka-tagal nilang nag-hintay sa isang siyudad sa nasabing bansa, 'yun pala'y kailangan na nilang lumipad pa-punta sa kanilang destinasyon.
"Saan ka naman naka-kita ng producer na ilang oras silang nag-hi-hintay sa isang city, pero wala man lang tumawag at nakikipag-coordinate sa kanila para sa su-sunod nilang ga-gawin? Kundi pa na-isipan ng isang kasamahan nila na i-text ang producer para sabihing nandu'n na sila, eh, hindi pa nila malalaman na meron pala silang flight schedule para sa pu-puntahan nilang lugar. Du'n pa lang, na-imbiyerna na siymepre ang grupo, lalo na si (pangalan ng pamosong aktor na kasama sa grupo) na ayaw na ayaw na gina-gawang tan*ga ang mga artista. So, mula noon, hindi na naging ma-ganda ang kilos niya, palagi na siyang wala sa mood, kapag may mga pinoy na buma-bati sa kanya, apektado ng pagka-inis niya sa pabayang producer.
"Hindi siya suma-sama sa mga promo ng grupo, ang reason niya, hindi naman guma-gastos ang producer, huma-hanap lang ng restaurant na puwedeng kainan nang libre ng mga artista. Eh, wala namang alam ang mga pinoy du'n na ganu'n pala ang kuwento, na masyado palang pabaya ang producer na kumuha sa kanila, kaya ang akala ng mga kababayan natin du'n, eh, talagang suplado lang si (pangalan ng magaling umarteng aktor). Ito naman kasing si (ang pamosong aktor), masyadong totoo, hindi siya puwedeng makipag-plastikan sa mga tao, kung ano ang nararamdaman niya, 'yun ang na-ki-kita sa kanya ng publiko.
"Panay nga ang sabi sa kanya ng mga kasamahan niyang artista na huwag masyadong intindihin ang kapabayaan ng producer nila, talagang ganu'n ang mga biyahe, tiyempuhan ang mga producers kung ma-asikaso o pabaya. Pero talagang na-sira na ang mood niya, hindi man lang siya nakikipag-kuwentuhan
sa mga pinoy, pagka-tapos ng laro nila, uma-alis na agad si (ang kilalang sexy actor) para mag-bihis. Ayun, kumalat tuloy sa buong community na suplado siya, na isnabero siya, dahil wala siyang PR. In fairness, kung alam lang ng ating mga kababayan ang totoong problema, eh, baka ampunin na nila ang taong 'yun dahil ma-bait naman talaga siya at cowboy in real life. Sa producer lang siya na-i-inis, pero na-a-apektuhan na ang relasyon niya sa lahat, 'yun ang hindi nagustuhan sa kanya ng mga pinoy du'n. Huwag na raw siyang maka-balik-balik pa du'n at baka ma-pahiya lang siya sa su-sunod," kuwento pa rin ng aming source.
Hirit pa ng aming impormante para ma-dali niyong ma-hulaan kung sino siya, "Alam niyo naman si Totoy, ayaw niyang gina-gawang kawawa ang mga artista. Panalo siyang maki-sama, basta huwag mo lang siyang ma-maliitin, lalo na ang mga kasamahan niya."
May ma-u-upo pa kaya ngayon sa Row 4 na ka-tabi ang ma-bahong basurahan?
Cristy Fermin, Bulgar


